How to make mushroom fruiting bags using sawdust (Tagalog)

Paggawa ng fruiting bag gamit ang sawdust na substrate



Ang Oyster ay isang uri ng kabute na mga pinapapatubo sa mga fruiting bags na ang  substrate ay kusot, dayami, dahon ng saging at iba pa. Ang mga sangkap, gamit at hakbang sa paghahanda ng fruiting bags nito ay ang mga sumusunod:

Mga materyales (Kusot na Substrate)

78 kg. tuyong kusot (good or coco lumber)
20 kg. rice bran o darak
1 kg. brown sugar
1 kg. lime stone mula sa mga kabebe (sea shell)
200 pcs. 6” x 12” x .03 polypropylene (pp) bags
200 pcs .cotton plugs
200 pcs. Pvc neck ¾” diameter x 5mm length
200 pcs. Ordinary rubber band                   
Steamer 200 liter steel dram

Paghahanda ng Substrate

  • Paghaluin ang mga sangkap na kusot, darak, lime at brown sugar. Haluing mabuti ang mga sangkap.


  • Basain ang mga sangkap na umaabot sa 60 % moisture content (mc)  ang kailangan sa isang proportion na halo.



  • Maari ng ilagay sa fruiting bag. Kung hindi pa gagamitin maari ninyong isako at ilagay sa lugar na hindi nababasa. Siksikin ang substrate






Paggawa ng mga Fruiting Bag para sa Oyster at Ganoderma Mushroom
  • Punuin ng inimbak na kompost na kusot ang pp bag, siksiking  mabuti sa pamamagitan ng pansiksik na bote. Naglalaman ng 1kg. bawat fruiting bag para sa Ganoderma Lucidum at 800 grams naman sa Oyster Mushrooms.
  • Lagyan ng PVC pipe ang bibig ng plastic bag na syang daanan ng mycelium o daanan ng magiging bunga nito. Takpan ng bulak ang bibig ng bag.
  • Takpan ng plastic ang bibig ng fruit bag sa pamamagitan ng pagtali ng guma sa ilalalim ng pvc, upang hindi matanggal ang nakatakip na plastic sa bibig ng fruit bag.
  • Maglagay ng patungan o strainer sa loob ng dram na may sukat na 6” ang taas, lagyan ng tubig na may sukat na 5” ang lalim. Isalansan ang mga fruiting bag sa loob ng dram, takpan ng plastic at sako ang bibig ng dram at lutuin ang fruiting bag sa loob ng 5 hours.
  •  Pagkatapos ay palamigin ang mga bag, gawin ang paglagay ng binhi sa isang malinis at sterilisadong lugar. (inoculation)

Inoculation o Pagtatanim ng Binhi sa Fruiting Bags

Mga materyales at kagamitan

Sterilized fruiting bags
Spawn ng pleurotus
Alcohol lamp
Lastiko o guma
Papel o dyaryo      
      
Paraan ng pagtatanim
  • Sa paglalagay ng binhi sa fruiting bags itapat ang bibig ng bote ng planting spawn sa ibabaw ng apoy. Initin sa apoy ang spatsula at palamigin bago ipasok sa bibig ng bote ng spawn.
  • Paghiwahiwalayin ang mga buto na may  amag sa pamamagitan ng transfer needle o spatsula. Magbukas ng fruiting bag at ibuhos ang mga binhi sa ibabaw nito at punuin ang butas nito.
  • Lagyan ng pvc neck at takpan kagad ng cotton plug at lagyan ng papel ang tinanimang fruiting bag upang maiwasan ang kontaminasyon.

Incubation at pamumunga sa Fruiting Bags
  • Pananatilihin ang mga fruiting bag sa loob ng madilim na silid sa loob ng 45 days hanggang sa kumalat ang puting mycelium o amag ay kumalat o bumaba ng husto sa loob ng bag na may temperatura na umaabot sa 28-25 degress celcius.
  • Hantayin ang putting pustula (molds) na siyang tanda na ang mga fruiting bags ay handa ng mamunga o magkaroon ng tubo an syang tinatawag na kabute (mushroom).
  • Sa ika-45 hanggang 48 na araw ay maari na itong ipahiga o isalansan sa cabinet hanggang ito ay mamunga.
  • Sa ika 50 days tanggalin ang bulak at papel, kapag may lumusot ng bunga sa papel antayin munang lumaki at anihin, bago tanggalin ang bulak at papel.
  • Diligan ito 3 times a day lalo na sa tag-init at 2 beses naman sa panahon ng tag-lamig gamit ang handspray o atomizer.
  • Kapag makalimang ani (flushing) maari nang buksan ang fruiting bag sa pamamagitan ng pag-alis nang pvc, at hayaang nakabukas ang fruiting bags.
  • Simula pagbukas ng fruiting bags ito ay mag-produce ng kabute sa loob ng isang araw at ito ay lalaki at pede nang pitasin sa loob ng 3 araw.
  • Pagkatapos pitasin, maghintay ng tatlo hanggang limang araw at sisibol ng muli ang kabute na tinatawag na (flushing). Sa pag-aani huwag putulin ng kutsilyo o anumang matalas na bagay, kailangan walang maiwan na stalk o sanga sa loob ng fruiting bag sanhi  ito sa pagkamatay ng susunod na bunga, dahilan sa pagkabulok ng mga ito at simulan ng kontaminasyon. Ang tamang pamamaraan sa pagpitas, hawakan ang tangkay ng kabute at marahan itong bunutin.
  • Pagkatapos pitasin diligan kaagad ang fruiting bag, kayang umani ng 1 kg. bawat isang fruiting bag sa loob ng 3 na buwan simulang ito ay sumibol.


4 comments:

  1. paano po ung mag parami ng spawning

    ReplyDelete
  2. Hi Rex... ano po ibig nyo sabihin? Spawn production po ba yung binhi ng mushroom? or yung fruiting bag production?

    ReplyDelete
  3. Paano po isasalansan ung fruiting bag sa shelves? Pede ba na nakapatong patong ung fruiting bags?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes... pwede siya patong patong sa shelves or naka hang lang siya.

      Delete

JMP Mushroom Gallery